Loading the player...


INFO:
a very sad and long post po, nahihiya ako mag rant sa Facebook kasi mga friends ko teacher ng mga anak ko pero, nakaka dis appoint ang boys scout of the philippines ngayon na ginanap sa fpj grand arena san jose batangas, dahil nahaluan na ng pangangampanya ang dapat ay para sa mga batang kids scout, excited pa naman ang mga bata sa mga activities na gagawin, kagaya ng tumbang preso, sack race, tag of war, at madami pang iba pero hindi na nagawa dahil sa sobrang haba ng opening program sa kawan! hindi rin maayos ang kanilang planong activities sa mga bata dahil bukod sa pag bubuhol ng mga lubid ay pagkukulay lang ng watawat ng pilipinas ang nagawa ng mga bata, 2 am nagising na kami para mag prepare at maagang bumiyahe para masulit ang pag attend sa boys scout sinsce first time makasali ng anak ko at para maisagawa ang mga activities pero lahat ng nasabing gagawin ay hindi na nagawa, may dala kaming mga lata, sako, tsinelas para sa tumbang preso pero naging props nalang talaga yun dahil hindi naman naisagawa ang kailangang gawin. dahil sa sobrang haba ng opening program na halos umabot na ng 3hrs. sana naman wag ganito mga bata ang kasama namin hindi nila kakayanin na makinig ng ganyang kahabang opening program, nainip nagutom at nagiiiyak pa nga ang iba, dahil ang gusto pa mangyare ng mga gumawa ng program ay bawal ang parents sa loob ng arena at mga batang scouts lang ang pwede, paano namin ipagkakatiwala sa programa nyo na iwan ang mga anak namin sa pangangalaga nyo kung mayat maya din naman namin na naririnig na may nawawalang bata, napahiwalay sa mga kasama nyang teacher and student, at sa sobrang dami ng tao nakakatakot na baka magkaroon ng stampede, isa pa ay open po for public ang arena hindi naging exclusive for boys scout may mga nakaklabas masok na mga nagtitinda at outsider sa event place kaya hindi talaga namin pwedeng iwan ang mga anak namin. wag naman sanang agawin pa ang ma eexperience ng mga bata sa scouting para lang mangampanya at sana mas maayos na ang flow ng activities sa susunod kasi sayang yung ginastos, preparations kung madami pa ang tunganga moments kesa sa mga activities! nakakadala sumali!